Pagpapanatiling Malinis ng Iyong Mga Kamay sa Cruise
日本語 | Deutsch | English | Español | Français | Itliano | Português | Tagalog
Upang manatiling malusog at malinis, hugasan ang iyong mga kamay gamit ang maligamgam na tubig at sabon.
Kailan huhugasan ang iyong mga kamay:
Bago:
- Paghipo sa iyong kamay papunta sa bibig, kabilang ang:
- Pagkain at pag-inom,
- Paninigarilyo, at
- Pagsisipilyo ng iyong ngipin.
- Pagtulong sa taong may sakit.
Matapos:
- Pagpunta sa banyo.
- Pagpapalit ng mga lampin.
- Paghipo sa mga patungang madalas dikitan ng kamay, katulad ng:
- Mga door knob,
- Mga pindutan sa elevator, at
- Mga hawakan.
- Pagbalik sa iyong cabin.
- Pagtulong sa taong may sakit.
- Pagsinga.
Paano hugasan ang iyong mga kamay:
- Basain ang iyong mga kamay ng maligamgam na tubig.
- Lagyan ng galanteng dami ng sabon.
- Pagkuskusin ang mga kamay nang 20 segundo.
- Banlawan ang iyong mga kamay.
- Patuyuin ang iyong mga kamay gamit ang papel na tuwalya.
- Gamitin ang papel na tuwalya para isara ang gripo at buksan ang pintuan.
Paano naman ang mga alcohol-based na hand sanitizer?
- Inirerekomenda ng CDC na gumamit ang mga pasahero ng cruise ship ng maligamgam na tubig at sabon upang hugasan ang kanilang mga kamay. Pinakamainam ang paghuhugas.
- Kung WALANG magagamit na tubig at sabon (malamang sa mga ekskursiyon), gumamit ng ethanol alcohol-based na hand sanitizer, mas mainam yung gel form. Ang sanitizer ay dapat hindi bababa sa 62% na ethanol.
- Page last reviewed: January 16, 2014
- Page last updated: January 16, 2014
- Content source: