Skip directly to search Skip directly to A to Z list Skip directly to navigation Skip directly to page options Skip directly to site content

Infographic: 8 Tip para Linisin ang Amag

Download PDF [PDF – 1 MB]

Mold Infographic - Tagalog

Text Equivalent

8 Tip para Linisin ang Amag

  • Protektahan ang iyong sarili. Magsuot ng personal na kagamitang pamproteksyon (mga guwantis, maskara, goggles) upang protektahan ang iyong mga mata, ilong, bibig, at balat.
  • Ihagis! Ilabas mo iyan! Anumang bagay na nabasa ng tubig-baha at hindi kayang linisin at patuyuin sa loob ng 24 hanggang 48 oras ay dapat ilabas. Kunan ng litrato ang mga itinapong gamit para sa pagfa-file ng mga paghahabol sa insurance.
  • Patuyuin sa hangin. Buksan ang lahat ng pinto at bintana kapag nagtatrabaho ka, at ligtas na iwanang nakabukas ang lahat ng maaari kapag aalis ka.
  • Paikutin ang hangin. Kapag ligtas nang gumamit ng kuryente, gumamit ng mga bentilador at dehumidifier upang alisin ang halumigmig.
  • Huwag paghaluin ang mga panlinis. Kung gagamit ka ng mga produktong panlinis, huwag paghaluin ang mga produktong panlinis. HUWAG paghaluin ang bleach at ammonia dahil maaari itong lumikha ng nakalalasong singaw.
  • Kuskusin ang mga lugar o ibabaw ng mga gamit. Linisin gamit ang tubig at sabong panlaba. Tanggalin ang lahat ng makikita mong amag. Patuyuin kaagad.
  • Huwag mong takpan, tanggalin mo. Hindi mapipigilan ng pagpipinta o pagseselyo sa ibabaw ng amag ang pagtubo ng amag. Ayusin nang buo ang problema sa tubig at linisin ang lahat ng amag bago ka magpinta o magselyo.
  • Patuyuin. Patuyuin ang iyong tahanan at lahat ng nasa loob nito sa pinakamabilis na paraang maaari – sa loob ng 24 hanggang 48 oras kung kakayanin.

Mga Pagkukunan ng Impormasyon

TOP