Mga Tip sa Pagku-cruise
日本語 | Deutsch | English | Español | Français | Itliano | Português | Tagalog
Bawat taon, milyun-milyong mga mamamayan ng U.S. ang nag-e-enjoy sa mga cruise na bakasyon. Noong 2005, tinatayang 9.8 milyong pasahero ang bumaba mula sa mga pier sa North America para sa kanilang bakasyong cruise (mula sa Cruise Lines International Association ). Ang pagbibiyahe sa mga cruise ships ay naglalantad sa mga tao sa mga bagong kapaligiran at mararaming tao, kabilang ang mga ibang biyahero. Ang pagkalantad na ito ay maaaring lumikha ng panganib sa kalusugan mula sa kontaminadong pagkain, o tubig o mas karaniwan, sa pamamagitan ng kontak mula isang tao papunta sa iba.
Sundin ang mga tip para maiwasan ang pagkalat ng karamdaman:
- Madalas maghugas ng kamay!
- Bago
- kumain,
- uminom, at
- manigarilyo.
- Matapos
- hawakan ang iyong mukha,
- pumunta sa banyo.
- Kapag madumi ang iyong mga kamay.
- Bago
- Iwanan ang lugar kung may nakita kang taong nagkasakit (sumusuka o nagdudumi).
Iulat ito sa kawani ng cruise, kung hindi pa naabisuhan. Maaari kang magkasakit kapag may nalanghap kang mga mikrobyo na bumabiyahe sa hangin. - Alagaan ang iyong sarili.
Magpahinga nang matagal at uminom ng maraming tubig. Ang pagpapahinga ay muling bumubuo sa iyong immune system. Ang pag-inom ng tubig ay pumipigil sa pagkatuyot. - Isaalang-alang ang kalusugan ng ibang tao.
- Kung may sakit ka bago mag-cruise, tawagan ang cruise line upang malaman kung may mga alternatibong opsyon sa pag-cruise.
- Kung ikaw ay magkasakit habang nasa cruise, ipagbigay-alam ang iyong karamdaman sa kawani at manatili sa iyong kuwarto hanggang mawala ang iyong mga sintomas.
-
Ang Programang Sanitasyon ng Barko ng CDC ay tumutulong sa industriya ng cruise na kontrolin at pigilan ang pagkalat ng mga gastrointestinal na karamdaman sa loob ng mga cruise ship at tulungan silang subaybayan ang mga barko kung magkaroon sila ng outbreak. Matuto nang higit pa tungkol sa Programang Sanitasyon ng Barko.
- Page last reviewed: January 16, 2014
- Page last updated: January 16, 2014
- Content source: